Monday, July 24

'wag ka sana mag-sawa
baka bukas di ka na magtanong
'di naman sa itinataboy kita
'di lang talaga ako pwede sa oras na iyon
'wag kang mag-alala, kaibigan
kung ano man ang ikinakatakot mo
malamang ay kabaligtaran ng katotohanang
laman ng puso at isip ko
kaunti pa sanang pasensya
di kasi ako sanay magsalita
kaya siguro iba ako magpakita
ng unawa at pagpapahalaga

No comments: