Friday, March 3

breaking up is hard to do

sabi nila, mas madali daw makipag-break pag may kapalit na. una-unahan lang yan.

minsan kasi hindi ka na talaga masaya sa kung nasaan ka at kung ano yung mga nangyayari sa iyo.
minsan hindi mo na rin makita sarili mo sa kinabukasan na tutunguhan nung kalagayan mo ngayon.
minsan malungkot ka lang at nararamdaman mong may mas higit pang para sa yo.
para sa akin. ang mahalaga yung bumubuti ka. lahat ng pagdadaaanan mo, dapat masasabing mong bubuti ako.

pano naman kung pare-pareho na lang ang mga nangyayari araw araw?
pano naman kung wala ka nang magawa kung di umangal nga umangal kasi sawa ka na?
pano naman kung ang mga nakukuha mo sa araw-araw e yung mga bagay na nakakasira sa mga paninindigan mo?
sa tingin ko, hindi pagiging makasarili ang isipin mo kung saan mo gusto pumunta ang buhay mo.

makinig ka sa sarili mo... isipin mo rin ang sarili mo... gumalaw ka para sa sarili mo.

No comments: